DAKILANG PARANGAL SA PAGDATING NG SUPREMO
"Nang matapos ang masayang pagpapaalaman, ang Supremo at mga
kasamahan, ay sumama na sa Pamunuan ng Magdiwang. Gayon na lamang ang
karingalan at kasayahang naghari sa pagsalubong na ginawa ng mga bayang
kanilang pinagdaanan. Sa hanay na may siyam na kilometro ang haba, mula sa
Noveleta, hanggang sa San Francisco Malabon, ang lahat halos ng mga bahay ay
may mga palamuting balantok na kawayang kinaskas at pinalamutihan ng
sari-saring watawat, tanda ng maringal na pagsalubong at maligayang bati sa
dakilang panauhin.
Isang kilometro pa lamang ang agwat bago dumating sa
kabayanan ng San Francisco de Malabon, ang Supremo Andres Bonifacio, sinalubong agad ng isang banda ng musika at nang nasa pintuan na ng simbahan at nirupiki
ng gayon na lamang ang kampana.
Ang malalaking aranya at dambana sa loob ng simbahan ay
pawang may sindi ng ilaw. At ang kurang Tagalog na si Padre Manuel Trias, saka
ang "Pallo," ay naghihintay naman sa mga panauhin sa pintuan ng
simbahan, at pagkatapos ay kumanta ng Te Deum, hanggang sa dambana na kaakbay
ang mga panauhin. Pagkatapos ng ganyang parangal sila'y itinuloy sa bahay ni
Binibining Estefania Potente.
Sulat kamay mismo ni Bonifacio ang titolo at lagda na hango sa "Acta de Tejeros"
Kinabukasan naman, ang Gabinete ng Pamahalaang Magdiwang, ang gumanap ng kanilang malaon nang inihandang pagpaparangal sa pamamagitan ng isang kapasiyahan na pagkalooban ang dakilang panauhin, Supremo Andres Bonifacio, ng pinakamataas na tungkulin sa taguring HARING BAYAN. Sa ganito'y lubusan nang mabubuo ang pamunuan ng nasabing Sanggunian na dati-rati'y wala ng tungkuling ito at pansamantala lamang nanunungkulan sa pagka Vi Rey, si Heneral Mariano Alvarez.
Ang buong Pamunuan ng kanilang Sanggunian, ay magagarang
kasuotan kung nangagpupulong. Simula sa HARING BAYAN, hanggang sa
kahuli-hulihang Ministro at Capitan General, ay may mga bandang pulang
ginintuan nakasakbat sa kani-kanilang balikat. Kung minsan sa kanilang
paglalakad, ay nakasuot pa rin ang nasabing banda upang makilala ang kanilang
katayuan marahil.
Heneral Mariano Alvarez, "Virey" o Pangalawang-Hari,
Tiyuhin ng asawa ni Andres Bonifacio na si Gregoria de Jesus [Lakambini]
Tiyuhin ng asawa ni Andres Bonifacio na si Gregoria de Jesus [Lakambini]
Lubhang masaya sila parati, palibhasa'y ang labing-dalawang bayan na kanilang nasasakupan ay di naliligalig sa anumang laban. Sila'y naliliskub halos ay nanga sa likuran ng mga bayang maliligalig tuwina ng Pamahalaang Magdalo.
Nang matapos ang ilang araw na parangal sa Supremo at mga
kasama, dinalaw nilang lahat ang labing-dalawang bayang nasasakupan nila bilang
paghahanda sa gagawing pagpipisan ng dalawang Sangguniang Magdiwang at Magdalo.
Nangagtalumpati sila at anangaral ng pagka-makabayan at iba pang
makagising-damdaming pangungusap ukol sa kalayaan. Sabihin pa, ang galak ng mga
taong bayan, kaya't gayon na lamang karingal ang pagtanggap sa kanila at para
bang isang HARING BAYAN nga ang dumating. Ang mga daan ay pawang binalantukan,
may banda ng musika at panay ang hiyawan ng "Viva Tagalog," magkabi-kabila.
Ang mga kampana'y halos mabasag sa pagrurupiki sa mga simbahan niyang
pinatutunguhan, may mga dapit pa ng cereales at awit ng Te Deum.
Sa kabilang dako naman, sa gitna ng gayong di magkamayaw na
kasayahan at paghdiriwang, ang walong bayang nasa Pamahalaan ng Magdalo. ay
laging nagigimbal araw at gabi ng paghanap sa kalaban sa mga hanay ng Zapote,
Almanza, San Nicolas, Bakood, Arumahan, Pintong Bato, at Molino sa bayan ng
Bakoof, at kasakit-sakit sabihin na sa masamang pagkakataon, ang mga kalaban ay
nakalusot tuloy nang di napapansin sa kabilang ilog ng Zapote, dahil sa puyat
at pagod ng ating mga kawal.
Gayon man ang matatapang nating sandatahan sa ilalim ng
mando ni Heneral Mariano Noriel at Heneral Pio del Pilar, ay agad-agad
dinaluhong ang mga kalaban, kaya't putukan at tagaang katakut-takot ang naghari
pagkatapos. Sa wakas, muli na namang nagtagumpay ang ating mga kawal, at ang
Ilog Zapote ay muling namula sa dugo ng mga kalaban. Ganyan nang ganyan ang nangyayari parati sa
buong hanay ng aming labanan."
___________________
Emilio Aguinaldo,
Mga Gunita ng Himagsikan
Manila: National Centennial Commission, 1964.
.
___________________
Emilio Aguinaldo,
Mga Gunita ng Himagsikan
Manila: National Centennial Commission, 1964.
.